ex libris (eks líb•ris) : “mula sa mga aklat ni” o “mula sa aklatan ni,” pariralang isinusulat sa aklat bago ang pangalan ng may-ari nitó
ex párte (eks pár•te) 1: sa interes ng isang panig lámang 2: sa interes ng sinuman bukod sa magkabilâng panig
ex post (eks póst) 1: itinakda ayon sa aktuwal na resulta sa halip na panghuhula lámang 2: pinaikling ex post facto
deus ex machina (dé•yus eks má•ki•ná) 1: kapangyarihan o pangyayari na hindi inaasahan at nagliligtas sa isang sitwasyong walang pag-asa 2: pangyayaring mahirap akalain; hindi sumusunod sa lohika ng sanhi at bunga